Sino Ang Namuno Sa Pinakamahabang Pag-Aalsa Sa Pilipinas Laban Sa Espanyol?
Sino ang namuno sa pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas laban sa Espanyol?
Francisco Dagohoy
Si Francisco Dagohoy ang namuno sa pinakamahabang pag - aalsa sa Pilipinas laban sa Espanyol. Tumagal nang 85 na taon, 7 buwan, at 1 linggo. Bunga ng pagkakapatay ng isang konstable sa kanyang kapatid. Inutusan ang kanyang kapatid ni Padre Morales na hulihin ang isang masamang tao. Sa kasamaang palad, ang kanyang kapatid ang napatay.
Ang hindi pagbasbas sa bangkay ng kanyang yumaong kapatid ay nagbigay ng matinding sama ng loob kay Dagohoy. Ayon kay Padre Morales, ang basbas ay ipagkakaloob lamang kung siya ay magbabayad. Sa labis na galit at pagkadismaya ay hinimok niya ang mga Boholano na mag - aklas. Bunsod na rin ng mga sumusunod na dahilan kayat nakumbinsi ang mga Boholanong mag - alsa laban sa mga Espanyol:
- polo y servicio
- bandala
- malalaking buwis
- pagbabayad ng tributo
Sino si Francisco Dagohoy: brainly.ph/question/530922
Bakit nag - alsa si Francisco Dagohoy laban sa mga Espanyol: brainly.ph/question/2724113
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment